Sabado, Setyembre 6, 2014

Pagbabalik TaNaw















                                                                                                             LIWANAG, Angelica R.
                                                                                                                     BSEED-2102



Pagbabalik-tanaw sa nakaraan


Pagbabalik tanaw sa isang paaralang kinagisnan , na sa tuwing
makikita ay naaalala lahat ng pangyayari maging sa kalungkutan at sa kaligayahan. Sa loob ng apat na taon na pagtahak sa aking landas upang makapagtapos sa paaralang aking kinagisnan at minahal habang aku'y nag-aaral sa paaralang Saint Joseph Academy.Mga karanasang hindi maipaliwanag sa tuwing maaalala; maging sa kalungkutan , kasayahan at kalukohan sama samang nagdadamayan upang masulusyonan ng hindi na lumalala pa; magkatampuhan man ay hindi tumatagal dahil na mahal na mahal talaga ang bawat isa, sila ang mga kaibigan na hindi ko makakalimutan na nakilala at nakasama ko.

Ang buhay high school ang isa sa mga ala-ala na hindi ko makakalimutan simula noong pumasok ako sa St. Joseph Academy. Isang pribadong paaralan sa San Jose. Isang paaralan na hindi ko makakalimutan pati na ang mga gurong tumulong at sumuporta sa akin. Dito nagsimula ang pakikisalamuha ko sa aking mga kaklase kaya ko nakilala ang aking mga naging kaibigan.


    Sa pag babalik tanaw sila ang aking mga mabubuting kaibigan na handang tumulong sa akin sa tuwing ako ay may problema at ganun din naman ako sa kanila na handang tumulong. Ang iba sa kanila ay nakakasama ko pa din sa araw-araw ang iba naman ay hindi na pumapasok kung kaya’t kapag may oras kaming magkakabarkada ay nagkikita kita kami upang mag saya. Maraming mga gawain noong highschool ang hindi natin nagagawa ngayong kolehiyo na tayo. 



Sa tuwing sasapit ang buwan ng Hulyo ay ginugunita sa aming paaralan ang "Nutrition Day" na kung saan lahat kami ay nagsasaya sari-saring mga aktibidad ang ginawa. Bawat isa ay may kanya-kanyang dala na gulay at prutas, Maging mga dalaga at binata na ay hindi nahihiya kung anung mga dala ng bawat isa.
Kanya kanyang gawain ang ginagawa pag dating sa silid-aralan. Tawanan, biruan, kulitan ang isa sa mga gawaing iyon.






Ang sumunod na ginugunita ay ang "Intrams". Iba't ibang palaro ang mga ginaganap na kung saan bawat isa ay aktibong sumali sa mga palaro. Lahat ay ginagawa nila upang manalo sa mga palarong ito.  Sa sobrang saya kahit umuulan nagpiktsuran pa din ,ganyan kami noong highschool kay sarap balikan ng lahat. Hindi naman lahat ng bagay ay kailangang maging masaya bawat buhay ng tao ay may kalungkutan at nagtutulungan kung kinakailangan upang hindi magkatampuhan sa bawat isa. 






 At kapag walang magawa ang bawat isa o kaya naman ay walang klase piktsuran pa rin kahit na bawal ang pagdadala ng cellphone sa aming paaralan at kahit na ganun pa man mahal na mahal pa rin namin itong paaralan na ito dahil dito kami natuto ng mga mabubuting gawain na dadalahin namin kahit saan man kami magpunta. Ang aking mga kaibigan na maunawain at mababait sa kahit sino pa man. Sabihin man na galgal kami ,nagseseryoso din naman kami ,hindi sa lahat ng bagay ay kalokohan ang pinaiiral.




                  "Ang TUNAY na kaibigan hindi sisiraan, 
              kapag nag-away kayo,
                 hindi niya ichichismis ang mga kahinaaan mo.
                 Kaya nga kayo tinawag na MAGKAIBIGAN, 
                 para magdamayan hindi para MAGPLASTIKAN "

 


 Manila Ocean Park ,isang lugar na napuntahan ko noong nag fieldtrip kami. Magandang lugar na kung saan nagsaya kami at naglibot upang masulit ang araw na ito. Nakakapagod pero masaya naman ang naging eksperyensya ko sa lugar na ito. 






Sa araw na papalapit na ang aming pagtatapos lahat kami ay nakaramdam ng lungkot ,dahil nga magkakahiwalay na ang bawat isa. Subalit sa bawat araw na lilipas patuloy naming sinusulit ang mga araw upang hindi mabahidan ng kalungkutan. Sa paghahanda ng aming pagtatapos nagkaroon kami ng kaunting celebrasyon para sa gurong tumulong sa amin at upang sila ay pasalamatan. Kahit na si titser ay minumura kami mahal pa din namin sila dahil ang mga guro ang nagbibigay ng mga payo at sila na rin ang ating pangalawang magulang at handa din silang gabayan tayo.


 Isa sa mga kantang nagpapa-alala sakin ay ang kantang "HIHGSCHOOL LIFE" na may mga linyang tulad nito:

 High school life
From my high school life
Akin pang naaalala
High school days
From my high school days
Na ikaw lang kasama
High school life
From my high school life
Akin pang naaalala
High school days
From my high school days
Na ikaw lang ang kasama
Sa tuwing ibabalik ang mga ala-alang naganap noong nasa highschool pa lamang ako ay tunay na kay saya at hindi rin nakakasawang balik-balikan. Sana sa tuwing magkakasama-sama kami ay ganung saya pa rin ang makikita sa bawat isa.









2 komento:

  1. magandang hapon.. nabasa ko ang iyong blog, natuwa ako dahil ang iyong mga napagdaanan nung highschool ay naranasan ko din.. masarap nga sa feeling kung babalikan ko din ang aking buhay hayskul.. nung mbasa ko ito madaming sumagi sa aking isipan na hindi ko malilimutan, mga pinagdaanang kalungkutan at kasiyahan kasma ang aking mga kaibigan at mga guro..naway mabasa din ito ng iba upang maalala nila at malaman ang kahalagahan ng isang kaibigan at guro na kasama natin tungo sa ating tagumpay. ika nga nila highschool life is the most unforgettable moment. Isa rin sa nagpaalala sa akin ay ang kantang higschool life. talagang ang kantang ito ay may kakaibang kahulugan sa akin dahil nababalikan ko ang mga masasayang karanasan ko noon. salamat sa malainspirasyon mong kwento. sana'y patuloy ka pang magbahagi ng iyong mga karanasan.

    TumugonBurahin
  2. MaRaming Salamat Charisse sa iyong KOmento..aKo aY nagagalak dAhil may Tao aKong nBigbigyAn ng Insprirasyon at Kasiyahan..:)
    SALAMAT...:)

    TumugonBurahin